Oh No!
Nitong nakaraang linggo ay nagpunta kaming mag-anak sa mall upang tumingin ng damit na isusuot ko at ng aking mag-anak sa kasal ni bayaw. Ilang buwan na rin palang di ako napupunta ng mall, ah. Kung wala rin lang kasi akong bibilhin ay ayaw kong magwindow shopping at ako ay nasasabik lamang. Anyway, ang gusto ko talagang sabihin ay ang hirap magpigil ng pagkain!!! (grrr!) Dumampot na kasi ako ng nagustuhan kong damit sa department store upang isukat, kaso ang natirang sizes duon ay 4, 10, at 12 na lamang. Hmmm, sabi ko, baka 4 pa rin ako ah.... So pick-up ko yung size 4. Heto na ang sales lady, "Can I help you choose a dress?" I obliged and said "sure" Nakita niyang size 4 ang aking dala dala, napahinto siya. Tinignan ako at sinabi niya, "Let me look at the other sizes because I think you are a size 10." Accck! (Oo nga pala ano, feeling thin pa rin ako, eh dalawa na ang anak ko!) So sabi ko, "ah yeah, the only sizes left are 10 & 12, and I think I am a size 4 'coz before.... " "Here, just try on both of them" Sabi ko, sige na nga (kaba) baka size 10 na nga ako..acckk! Pasok ako ng fitting room. I started slipping on the size 4. (sa loob loob ko, "Mariosep! ayaw yata ako magkasya! Impossible ito... noooOOooooOOOooo!!!") Tapos try ko yung size 10. OMG! nagkasya siya without labor ha! ...( tanggapin mo na kasi na lumaki at tumaba ka na!... sabi ng konsiyensya ko) *buntunghininga* Ayun, buking na ang aking size... I am 2 size larger now. Pakonsuelo naman ni mister, "Di bale, may anak ka naman, 'no. Normal 'yan." Napatigil ako at nasabi ko sa sarili ko, buti pa si husband marunong tumingin sa bright side. (Bright side nga ba or para matahimik na lang ako?) Hindi ako dati ganito mag isip. Dati rati sinasabihan ako ng aking ina na para daw akong blade sa payat (90 lbs lang kasi ako nuon, ngayon 'wag nyo na tanungin) Namomoblema ako nuon paano tumaba man lang ng konti, kako para naman may korte. Ngee... be careful of what you wish for, you might just get it. Tutoo nga.
Anyway, I am not crying over my weight naman. Wala pa naman nagsabing ke taba-taba ko pero miss ko na yung mga luma kong damit bago ako nagka-anak. Ayun sila, nasa kahon na at tila namamaalam na ng permanente sa akin. Ako lang naman itong umaasang papayat pa ako to a whooping size 4! Pwede ba, get real, 'no?
Kaya kayong mga dalaga, ingatan ang magandang katawan. Kahit may asawa na o wala pa, ingat na lang sa mga kinakain para 'di matulad sa 'kin.

<< Home