Monday, March 22, 2004

Health Concious

Nagpunta kami sa isang children's party kamakalawa (Sabado). Maraming bata ang nanduon at may mangilan-ngilang teen-agers. Isa sa mga binatilyo ay aking nakausap. Isa siyang 14 na taong gulang na lalaki, about 5'4", at guwapo. Kamag-anakan ni mister. Binibida ng kanyang ina na kamakailan ay hindi nagkakakain ang batang ito. Ayaw kumain ng kanin. Naging mahilig sa gulay, at lahat ng kinakain ay binabasa ang "nutritional facts" sa likod ng bote, lata, or balot ng kanyang pagkain. Namangha ako at tinanong ko siya kung bakit ang bata-bata pa niya ay masyado na siyang concious sa pagkain niya. Sabi ko, "lumalaki ka pa naman, kailangan mo ang mga pagkaing iyan. Kumain ka ng kanin." Sabi niya, "Ayaw ko po, teen-ager na ako eh. Kailangan mag-ingat na ako sa kalusugan ko." Sa loob-loob ko, nuong ako ba'y ganitong gulang, naisip ko na ba kung ano ang cholesterol, high blood, heart attack, diabetes, atbp? Hindi yata ah. Bakit ang mga bata ngayon parang bukas na bukas na ang pagiisip sa mga isyung tingin ko ay pang matanda lamang. O baka naman ako lang ang ganito mag-isip? Nuon kasi 14 years old, wala ka pang kamuwang-muwang sa mundo. Kain ka lang ng kain. Hindi mo iniisip ang benepisyo ng pagkaing pinapasok mo sa katawan mo. Naglalaro ka pa nga ng manyika at baril-barilan sa gulang na iyon. Ni hindi pa pumasok ang salitang "ligawan" sa isip mo. O baka naman ako lang ang "late bloomer." Ibang-iba na ang mundo ng mga kabataan ngayon. I wonder kung ganito rin ang mga bata sa Pilipinas... hmmm....

0 Comments:

Post a Comment

<< Home