Monday, March 01, 2004

Mga Panaginip

Kababasa ko lang ng Sunny Side Up Blog ni Ellen, or Tweety as we fondly call her back in IRC days. Nagulat ako kasi meron din pala syang mga panaginip na hindi nya maipaliwanag kung bakit ganoon or ganito ang nangyari, etc. Yun nga lang meron syang dream journal... ako ay wala. Pero meron akong panaginip na paulit ulit ang characters. Napapanaginipan ko sila every now and then kahit hindi naman sila ang laman ng aking isipan. Ang tinutukoy ko dito ay ang mga kaibigan ko sa Pilipinas na tatlong magkakapatid na babae. Kasamahan ko sila sa choir at hindi ko naman maituturing na malapit kaming magkaibigan pero naging magkakaibigan din kami dahil ang aming mga magulang ay magba-barkadang samahan sa simbahan. Anyway, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maipaliwanag kung bakit madalas ko silang mapanaginipan. Wala na kaming contact ngayon, pero ang huling balita ko ay nasa New York na rin sila kasama ang mga magulang nila. Isa sa kanila ay nanirahan sa Australia. Hmmm... Tweety, or kahit sino sa inyo... baka naman maipaliwanag nyo sa kin ang ibig sabihin nito. Ano kaya ang nais nilang ipahiwatig? As far as I know, wala naman akong utang sa kanila :-) or anything for that matter.

Naranasan nyo na ba ito? I wonder...