'Wag Kang Suplada
Malaki talaga ang nagagawa ng isang sanggol o anak sa isang tao. Ganito kasi yun: Mayroon akong ka-opisina. Mataas na rin ang posisyon. Babae. Systems Analyst namin. Siya na rin ang tumatayong head ng kanilang department. "Suplada yan, hindi ngumingiti" laging banggit ng iba, at marami pang bulung-bulungan tungkol sa kanya. Nung siya ay mabuntis, mas lalo yata naging hindi palakibo. Siguro dahil na rin sa bigat ng dinadala, minsan ang sagot nya sa telepono ay pasigaw. Hanggang isang araw ay binigyan siya ng baby shower na imbitado ang buong department namin. Tanong ko sa mga ka-opisina ko... "pupunta ba kayo sa baby shower ni D?" Maraming umayaw sabay simangot, "hus!... di naman namamansin yan." Nagpunta na rin ako, kasi ako naman medyo kinakausap niya dahil nung nagdadalantao ako ay panay ang tanong niyan sa kin...kung mahirap daw ba magbuntis, etc. Mula noon ay naguusap na rin kami kahit pasanda-sandali. Kakaunti ang taong nagpunta sa baby shower niya. Ang iba ay hindi nagbigay kahit pera, anila, "marami ng pera yan, di niya na kailangan ang ibibigay natin." Kahit nung nag maternity leave siya, ni wala yatang nakaisip magtanong kung kailan ang kanyang balik.
Makalipas ang 3 buwan, bumalik na si "D". Aba, malaki ang pinagbago niya, lagi ng nakangiti at naging palabati. Pag ako ang nakakasalubong niya ay laging kinakamusta ang aking mga anak at eager (nakalimutan ko ang tagalog nito) pang makita ang mga litrato ng aking mga anak. Lagi raw niyang naaalala ang kanyang anak at sana nga daw ay makapiling pa niya ito ng matagal-tagal pa, ibig sabihin, sana ay mas matagal pa ang maternity leave niya. (3 months, mahaba na iyon ano...!)
Na-figure out ko, napagbago siya ng pagkakasilang ng kanyang anak. Nag-iba ang kanyang pananaw sa buhay at naging maaliwalas ang kanyang mukha sa tuwing siya ay ngingiti.
Tutoo ang ang kanyang nararanasan. Ako man, madalas, sa gitna ng kahit na anong dami ng aking trabaho ay bigla na lang sisingit ang alaala ng aking dalawang anak.... kapag kami ay naglalaro... nagtatawanan. May kanta si Bette Middler sa pelikula niyang "Beaches" na ang pamagat ay Baby Mine . Napakagandang kanta. Lagi ko itong kinakanta sa aking mga anak. Nais kong ibahagi sa inyo ang lyrics. Alay ko ang kantang ito sa lahat ng mga magulang at anak. Kung hindi ninyo alam ang tono ay maririnig ninyo ang midi file sa ni-link ko dito:
Baby mine, don't you cry.
Baby mine, dry your eyes.
Rest your head close to my heart,
Never to part, baby of mine.
Little one, when you play,
Pay no heed what they say.
Let your eyes sparkle and shine,
Never a tear, baby of mine.
If they knew all about you,
They'd end up loving you, too.
All those same people who scold you,
What they'd give just for the right to hold you.
From your hair down to your toes,
You're not much, goodness knows.
But, you're so precious to me,
Sweet as can be, baby of mine.
Pwede ninyong i-download ang mp3 file dito.

<< Home