Buhay sa Amerika
Masayang malungkot ang buhay sa abroad. Nung una ay natawa ako sa pinadalang email na ito sa akin. On the other hand, ay napabuntunghininga na lang ako ng ma-realize ko na mayroon siyang "shade of truth." Tunghayan ninyo ang...
BUHAY SA ABROAD
Registered nurse si Maria sa States. Kasama nya ang kanyang ina na nagpagamot din doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Maria. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa. Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na dikit ang mukha sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy and isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika!" Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba! May sulat sa dibdid ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay Maria:
"Mahal kong tatay at mga kapatid:
Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $1,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod..."
"Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na karnenorte. And adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo. "Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi matunaw ang mga ito. "Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift ko sa first birthday ng bata."Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene, Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng pokemon trading cards at stickers."
"Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta. "Suot din ni ina ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party. "May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at 'yong isa ay kay Pareng Tulume. Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball."
"Tigdadalawang ream ng Marlboro green at Winston lights ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay. Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan. Isang dosenang Wonder bra na gustong-gusto ni Tiya Iska, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya."
Maria
PS. Paki-bihisan na lang si Nanay.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home