Milan
Nagkaraoon ako ng chance na mapanood sa DVD ang pelikulang MILAN nitong weekend. Ng malaman ko kung sino ang mga aktors ay parang wala akong ganang panoorin ito. Kako baka "it's just another love story" na gawa ng pinoy na para bang iisa ang tema. Sabi ko baka iyakan na naman ito, sigawan, sampalan, pero sige na nga mapanood na rin at makapahinga naman sa busy kong buhay. Mahilig naman din ako sa drama (fan nga ako ng MMK (Maalaala Mo Kaya) eh. Anyway, humanga ako sa pelikulang ito in the end kasi it's about the plight of the Filipino migrants and OFWs sa Italy. Sabi ko, aba relate na relate ako dito, although, honestly, I didn't cross the border to get where I am right now. May mga kaibigan kasi akong ganito ang sinapit at sinasapit ngayon. Pinakikita duon sa pelikula kong ano ang mga ugaling pinoy. Tipikal na tipikal sa samahang pinoy ang magtulungan. Tipikal din ang kayod ng kayod ang mga pinoy para may mapadala sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pinas. Nanduong graduate pa ng Saint Paul's ang karakter ni Claudine Barretto duon and yet, DH siya sa Italia. Nanduon ding may mga pinoy na alam na pilipino ka and yet, nagmamangan-maangang 'di marunong ng tagalog kung kausapin ka, at ni ayaw kang tulungan kahit nakikitang gipit ka na. Tutoong tutoo lahat ng pinortray nilang mga karakter duon - pinoy na pinoy!
Panoorin niyo ang pelikulang ito at tignan niyo kungdi tutoo ang aking sinasabi.
Panoorin niyo ang pelikulang ito at tignan niyo kungdi tutoo ang aking sinasabi.
<< Home