Ugaling Pinoy
Ako ay nagtatrabaho sa isang opisinang malaki ang porsyento ng mga pilipino. Lalo na sa accounting department na aking kinabibilangan, humigit kumulang 58% ay pinoy. Natutuwa ako kasi marami ang nagsasabi na masarap daw kasama ang pinoy sa trabaho, kasi nga maaasahan, mabilis, at masipag. Minsan lang may ugali tayong hindi natin mapigilan ang managalog kahit ang nakapaligid na sa atin ay hindi tayo naiintindihan. Nandyang ang lakas lakas pa ng kuwentuhan sa hallway ganuong ang tahi-tahimik ng buong kuwarto. Hilig pa ng iba ay sumitsit kapag may gustong tawagin sa malayo. Diyan nga nalalaman kung ang isang tao raw na nakatalikod ay pinoy o hindi. Sumitsit ka at kapag humarap, kahit di siya ang tinatawag, siya ay pilipino. Tunay nga naman. Subukan niyo.
Mahilig din tayo sa handaan. Kamakalawa ay cinelebrate ng aming department ang mga may birthday pamula Enero hanggang Marso. Breakfast treat ang kanilang ginawa. Daming handa! Hanggang tanghalian na ay may pagkain na kami. Nandiyaang may nagdala ng fruit salad, butchi, empanadita, donut, eggpie, buko pie, pandesal at cheese pemiento roll ng Valerio's, keso, hamon, shanghai, siopao, siyomai, at marami pang iba. Nasambit tuloy ng ka-opisina kong Indian (taga Fiji Islands), "I should've married a Filipina" kasi nga daw masarap magluto saka hindi mabunganga katulad ng asawa nya ngayon. "Too late" may sumagot sa kanyang likuran, "we're all taken."
Kapag tanghalian, sa lunch room, naku lalong ang ingay pag nagkasama-sama ang mga pinoy. Namamango ang loob ng kuwarto sa mga baong lutong bahay. Halos lahat sila ay may baon kahit isang sandwich lang. Mahilig pa niyan ay magyaya kumain kahit sino ang mapadaan sa lunch room. "Tara lets, kain na tayo!"
Pero bakit ganuon, miss ko pa rin ang Pilipinas kahit lahat halos ng paborito kong ulam, tulad ng kare-kare ay nakakain ko naman dito? Bakit miss ko pa rin ang Pinas kahit halos ng nakapaligid sa akin ay pinoy. Siguro kasi nasa Pilipinas pa ang aking mga magulang. Mas gusto daw nila duon. Hindi raw nila makasundo ang pamumuhay dito... iba daw. Hindi ko sila masisisi, iba nga talaga. At yuon ay ibang chapter na ng buhay dito.

<< Home