Naka-relate Ka Ba?
May nagpadala sa 'kin nitong e-mail a few months back. Pinadala nn'ya sa luma kong e-mail add, kaya ayun, ngayon ko lang na-check. Maganda ha... ako naka-relate. I am glad at naranasan ko pa pala ang innocence ng isang bata. Tignan nyo kung kayo rin...
Subject: good ol days
Natatandaan mo pa ba yung mga kapanahunan naten? as in
yung mga panahon ng bagets, mga kantang Brother Louie
at mga kantang One Way Ticket at Xanadu?
Nakakalungkot isipin na lumipas na yung panahon na
kung tawagin ay the "good old days"...
Good old days? ano nga ba ibig sabihin nito? Kung
maapektuhan ka dito, malamang kasali ka sa amin nung
mga panahon na yon....Naaalala mo ba noon, pag gising
natin sa umaga at umuulan, ibig sabihin na nito, alang
pasok.. may bagyo na naman! hanep, may tsamporado na
naman tayo sa almusal! at syempre, hindi mawawala yung
tuyo!
Hahanapin mo na yung kulay pink mo na sweater galing
Baguio.. yung may burda ng dahon sa may tapat ng
dibdib? At syempre, walang pasok, may mga pauso
kayong mag-pipinsan na games na pang indoors lang...
magagalit sila nanay pag lumabas kayo, uso pa naman
ang sipon dahil tag-ulan. Noon kase, sipon lang at ubo
ang uso pag umuulan..ngayon, pati lintik na mga lamok,
may dala-dala ng sakit. Dati kase, hindi mo na
kailangan ng Off Lotion.
Kase meron namang kulambo.. pero pag natutulog lang
yon, kaya ang gamit natin noon, katol! yung elephant o
lion katol.. di ba yung abo nga non, iniipon pa naten
at tinitiris tiris naten ng katol stand hanggang sa
mahataw tayo ni nanay?
Naalala mo rin ba na nung minsan ay nag-lalaro tayo ng
piko, biglang magbabanta ng ulan.. aambon ng konte..
di ba ang ginagawa natin noon, magdro-drawing lang
tayo ng araw sa sahig kung saan tayo nag-pipiko sa
paniniwalang lalayo ang ulan dahil matatakot sa araw
na ginawa naten..at kapag nagpapatintero naman tayo,
ang pang-guhit naten ay tubig na galing sa
kanal... hi-hi-hi! Kadiring pakinggan, pero sa totoo
lang, di ba ang linaw naman ng tubig kanal dati?
Dun pa nga natin isinasawsaw yung nabibili natin mga
kaprasong papel na kapag nabasa ay may lumalabas na
numero habang kumakain tayo ng sundot kulangot.. ang
saya!
Alam mo, ang dami na ring lumabas na mga iba't ibang
klaseng sabon ngayon ano? ang pinaka-sikat kase dati,
safeguard, lifebuoy at irish spring...ah oo nga pala,
meron na rin noon na Camay at Palmolive. Naaalala ko
pa nga yung commercial ng palmolive noon na ginagaya
naten di ba? yung tuyong dahon na pinapatakan ng oil
tapos nagiging fresh na ulit yung dahon...ginaya natin
to noon... namumulot tayo ng tuyong dahon at napatakan
natin ng tubig tsaka natin kukuyumusin... naaalala mo?
Pero subukan mong balikan ang mga amoy ng mga banyo
naten noon karamihan amoy safeguard..Ang shampoo non,
Prell at Halo na powder. Oo! powder na shampoo..
mukhang imposi ble, pero talagang may powder na
shampoo. Magaling yon sa kuto. Tapos, nung tumagal
tagal, nag-labasan na ang mga ibang brands tulad ng
Kao-Biore at Gee your hair smells terrific shampoo at
kung ano ano pa. Basta ang alam ko lang, wala pang
secret na panglagay sa kilikili noon. Ang nakikita ko
kila nanay, Veto o kaya Mum. meron pa nga yung sa
avon, yung Quelch? Natatandaan mo? Pag gabi na, nasa
labas na tayong lahat kase maglalaro na tayo ng
tumbang preso, luksong tinik, Doctor Quack Quack,Pass
the Message,taguang bato at marami pang iba.. hindi
naman nakakatakot maglaro noon sa kalsada, bihira pa
kase ang mga sasakyan kaya malabong masagasaan ka.
Wala ring masyadong krimen tulad ng kidnapping at
patayan kaya panatag ang loob nila nanay kahit
mag-laro ako sa labas na ang tanging tanglaw ay ang
mangilan-ngilang ilaw sa poste at ang liwanag ng
buwan.
Minsan nga, pag nakikita ko ang mga bata ngayon na
pulos hi-tech na ang libang an,iniisip ko kung unfair
ba to sa generation naten.. biro mo sila, ang titindi
ng laruan, computers, play station, gameboy, at may
mga cellphones na rin sila ngayon. Samantalang tayo
dati, mas masaya tayong puro lupa ang mga pwetan ng
damit naten at nagbabanil ang mga leeg natin sa dumi
sa paglalaro sa labas.Pero, parang hindi kayang
bayaran ng kahit magkano ang nagdaang panahon na yon.
Hindi ko ipagpalit sa mga computers at kung ano ano
pa.. mababaw man, pero iba ang saya na naidulot sa
ating lahat.. hanggang ngayon dala dala pa rin naten
sa alaala naten.. Masaya na tayo noon sa putoseko at
tira-tira o sundot kulangot kaya. Pero ang mga bata
ngayon? meryenda niyan, chips ahoy, mga mamahaling
juice o softdrinks, cakes, burger, spaghetti etc...
subukan mong hainan yan ng pandesal na may palamang
dairy creme na may asukal o di kaya ay pandesal na may
condensed milk, parang galit pa sa yo... ewan ko
ba... parang mas gusto ko pa yung buhay noon.. .simple
lang... pero masaya..Ngayon alam ko na... kawawa naman
pala yung mga bata ngayon... ni hindi nila magawang
mag-patintero sa kalsada, baka masagasaan... o
magtagu-taguan kaya, baka makidnap o mapag-tripan ng
adik, bawal din manghalihaw ng tubig kanal...sakit
ang makukuha... at saka ba't ang mga bata ngayon, may
mga malisya na... tatlong taon pa lang, alam na nila na
kailangan na nilang mag-suot ng short pants kung
lalabas...samantalang tayo noon, nakapanty lang tayo ng
may ruffles sa likod di ba? o yung mga panty na may
drawing sa harapan... kahit mga grade one na tayo
noon... balewala lang... talagang dinaanan natin ang
pagka-inosente sa kamunduhan... naisip ko tuloy, pwede
pa kayang ibalik ang ganitong buhay? yung simple at
masaya?
Kawawa naman mga bata ngayon... tsk... di man tayo
naging gifted child, dahil walang promil noon eh...
gifted pa rin tayo.. sa pagkilala sa tunay na kulay
ng buhay...
NAKA-RELATE KA BA?

0 Comments:
Post a Comment
<< Home