Saturday, June 18, 2005

hello ka dyan...!

Ang tagal ko ng dinownload itong software ng "hello" pero ngayon ko lang na-figure out kung paano sya mag work. Eh, hello! kayo na lang ang magbasa ng instruction kung paano magpost ng pix (that is, kung merong instructions). Ewan ko pero hindi naman siguro ako boba para di ko sya maintindihan (naku makes me think twice).

Anyway, stop muna dyan ang sampling ko ng pictures at baka mai-post ko ang buong barangay namin at kumalat sa internet.

Sila nga pala (pointing at the pictures below) ang aking pinagkakaabalahan ng husto kung bakit minsan quarterly ako mag post dito sa blog ko. Full time career woman, mom, and wife ang inyong yours truly, pero I still find time to surf... hehehe. Lalo na nga ngayon, niregaluhan ako ng aking butihing mister ng isang "kuaderno" Nag set up kami ng router sa bahay para kahit saan ay madala ko ito. Ito kasing aming desktop ay nasa loob ng kuarto. Itong aking "kuaderno" eh madadala ko sa kahit saang parte ng bahay at surf to death ako.

Naku, umaga na pala... good night muna and 'wag nyo pakatitigan ang mga kyut kong anak :-D Salamat...