Tuesday, January 21, 2003

Ningas Kugon

Ano na ba ang pinaggagawa ko nitong mga nakaraang araw at matagal bago nasundan itong aking talaan ? Sa tutoo lang marami, baka 'di magkasya dito, pero kung susumahin ang aking mga ginawa ay gawaing nanay. 'Yan ang mapait at matamis na katotohanan ng pagiging nanay. Nuon 1996, pagdating ko sa trabaho, pindot ng computer, check ng email, punta sa tambayan ng #manila (yung mga nakaka-relate diyan, o diba ganuon din kayo?), kain ng konti, tapos chat uli. Araw-araw 'yan. And it was like that for at least 3 years (for me, ha). Ang payat-payat ko nuon ('di ko lang alam kung nangangalumata ako), dami kong kaibigan, cyber & real. Ang weekend namin eh magkita-kita sa karaoke sa may Vermont, or di kaya ay mag-bowling, kumain, or mag-hang around lang. Kung may time akong natitira ay ina-update ko ang aking website sa geocities na ngayon ay dinissolve na nila!! (sniff!) Ang dami dami kong pictures and links duon. May ala "Lovingly Yours," pa akong section duon. Na-inlab kasi - ayan napabayaan na! Sa tutoo lang naman ng magsimulang magkita kita kami ng mga ka-chatchatan ko, nagsimula ng dumalang ang pag-log-on ko sa computer. Kumbaga ay narating na namin ang 2nd level of friendship - mas close na kami and we prefer to see each other na lang, although pag napasok minsan sa chat room ay nagwawala pa rin at sumisigaw ng "HI!!!!" *hugs* *hugs* - o diba?

Ngayon, year 2003 na, wala na yun. Nanay at tatay na rin ang iba sa amin. Inaanak ko pa nga ang ibang chat babies diyan. Yung iba, I've lost contact - totally, while some still linger. Natutuwa ako kasi yung iba talagang naging barkada ko na. Sa ngayon, bising-bisi na rin sila sa mga tsikiting nila tulad ko. Si prinsesita ko nga, isa palang siya pero siya na yata ang aking mundo. Mula pag-drop off namin sa kanya kay biyenan hanggang sa ipipikit ko na lang ang mga mata ko sa pagtulog si prinsesita pa rin ang may hawak ng oras ko. Pag-uwi namin galing trabaho, eto ang routine ko: (medyo boring kaya tiagaan nyo na lang sa pagbasa) papalitan ko siya ng lampin, pupunasan ko ang buo niyang katawan para presko sa pagtulog, pupulbusan, ipagtitimpla ko ng gatas kung humihingi siya, lalaruin ko (hanggang mapagod), tatabihan ko sa pagtulog dahil gusto nya nadadama nya ang init ng hininga ng kanyang mommy. O, si prinsesita ang pinaguusapan natin dito ha, hindi si Bugoy _*lol*. Pag nakatulog na si prinsesita, saka ako magluluto (kung may lulutuin, maglalaba kung may lalabhan, mag-aasikaso ng bills, manonood sandali ng tv, mag-aayos ng maliit naming dampa - lahat ng ito gagawin mo ng tahimik kasi baka magising si prinsesita. Pagkatapos pag tingin mo sa oras 11:30 pm na! Kailangan mo na matulog kasi may pasok bukas at para hindi ka aantok antok sa trabaho. 'Yan ang aking daily routine. Mga nanay diyan, pamilyar ba?

Friday, January 03, 2003

Nakaw na mga sandali

Haay sa wakas nagkaroon din ako ng oras para makipagblog-blogan... hehehe. Ilang araw din kaming bc nung nakaraang pasko at bagong taon. Meri Krismas ena Hapi NuYir 2 Ol nga pala! Daming natanggap na regalo ni prinsesita ko, kailangan makapagpadala man lang ng maliit na note na thank u card sa mga nagbigay.

Nagkita-kita nga pala kaming magkakaibigan last yr - babatiin ko sila dito..hello to Dex, Raquel & Patrick! Mini reunion lang yan sa bahay ng matagal ko ng hinahanap na kaibigan sa apat na sulok ng Pasadena - si Dex! Dex, musta na uli? Mag-comment ka naman sa ibaba.. hehe. Gusto ko rin batiin si La-arni, Earle, at ang inaanak kong si Liezl at ang kanyang lil bro na si Real. Hindi kami nakapagkita last NuYir's Eve kc sa dami ng pupuntahan namin nila Bugoy, di na namin maisiksik ang pagkakataon na yun. Di bale magse-set ako ng date, oki? Meron akong regalo kay Liezl eh. Batiin ko na rin si Babie dito kahit di nya ito mabasa. Kumusta ang NZ mare? Hapi NuYir! meron bang Nyu Dir? hehe j/k!

Minsan nag-iimagine ako na makapag-reunion sana ang mga taong nakilala ko back in Quarterdeck days. Miss ko na sila. Wala lang, gusto ko lang makipag-chikahan at malaman kung napaano na sila since tumigil kaming mag-chat back in the late 90's. Meron pa rin naman akong mga kaibigan na nakikita ko pa ng personal tulad ng nabanggit ko kanina: si Dex, Raquel, La-arni, Yanny, Grems, Kuya, Poly, Ian, Cheryl hmmm.. sino pa ba? ah si Pam... kasulatan ko pa rin sya sa email. Aba marami-rami pa rin pala. Masarap gunitain minsan ang "chat days" namin noon. Nandyang, tumawa ka, umiyak, magdabog, makipag-kaibigan, makipag-bolahan take note sa pamamagitan lang ng pagta-type ha! Minsan bumabalik ako sa chat room pero hindi na Quarterdeck. Nagpupunta ako minsan sa abs-cbn na server at sa #Manila nila... lungkot ko... iba na ang crowd na bubungad sa yo. Aaminin ko medyo mas bata sila (medyo lang ha!) pero iba pa rin yung mga nakilala ko noon - parang mas friendly - mas simple - and most of all safe makipagkita sa kanila. Pinoy lang lahat ng kinikita ko... 'yoko muna sa foreigner... takot ako eh. Dami ng balita dyan na na-rape o hinostage dahil sa pakikipagkita nila ng one on one sa mga ka-chat nila. Sad diba? Sana lang mabalik ang mga araw namin nuon ... wish ko lang...