Isang Linggong Headache, atbp
Isang linggo mahigit actually masakit na ang ulo ko. Nandyang paggising ko palang may migraine na ko. Nandyan din namang pag uwi ko sa trabaho, masakit na ang ulo ko. Hindi ko alam kung ano nagti-trigger sa migraine ko kasi alam ko naman ang mga pagkaing iiwasan ko para di ito umatake. Isang hinala ko eh, stress sa trabaho. Pero kung iniisip ko naman, di naman yata ako ganon kaseryoso sa trabaho (minsan lang) para sumakit ang ulo ko - siguro partly work related ang headache na 'to, but I doubt it... Me, serious? Are you serious? :-) Anyhow, nung almost 2nd week nya na... nawala na. Salamat po, Dios ko, dahil pag ganyang more than a week na ang sakit ng ulo ko naaalala ko si Laura Branigan. Natatandaan nyo ba ang ikinamatay nya?
Few weeks ago naman, meron akong nagawang katangahan. Lumabas kami ng mga kaibigan ko para i-celebrate daw ang birthday ko. Di pa kami nagkasya pagkatapos kumain, punta pa kami ng starbucks. Gabi na non, about 10:30 pm na kami umuwi. Bago kami umuwi, may inihatid kaming kaklase ko na malapit din sa area namin. Ng finally nasa bahay na kami, hinahanap ko ang bag ko para kunin ang susi. Naku po, patay kang bata ka, wala kahit saan parte ng kotse ang bag ko! Nagalit na po si mister at sinermonan ako na dala daw ako ng dala ng bag pwede namang wallet lang. (Sa loob loob ko naman, may babae bang lumabas na wallet lang ang dala? Siempre lagi syang may dalang bag para lalagyanan nya ng kung ano-anong abubot nya, diba? Eh kung wallet lang dala ng isang babae, aba eh lalaki un) Anyway, nilunok ko ang sermon nya kasi kasalanan ko. Nung nasa Starbucks kasi kami isinampay ko ang bag ko sa upuan dahil siksikan kami sa table at naki-share nga lang ako ng chair. Eh pag labas namin, ewan ko ba what happened to me, hindi ko chineck kung may naiwan ako sa table or chair (which I usally do). Punta agad akong yellow pages at tinype ko ang Starbucks sa Pasadena. Shucks, sarado na - wala ng sumasagot ng phone! Nerbyos na ko. Di ako nakatulog that nite - siguro 2 hrs the most.
Paggising ko ng around 6 am tawag na ako sa Starbucks. Sabi wala raw silang nakukuhang bag duon at sabi pa nung kausap ko: "for sure nobody's gonna turn it in..blah, blah, blah!" Tumawag daw ako later at check ko daw kung may magbabalik. Hmp! Nainis ako, but I can't do anything but beg, kasi I am really at their mercy. Tumawag ung friend ko si Lev, kinakamusta na kung na-contact ko ang Starbucks. Hiningi nya ang telephone number at sya nga raw ang tatawag. Buti na lang meron akong mapagmahal at maasahang kaibigan na si Levy. Levy called me back to say, na mali pala ang tinatawagan kong number.... ngee! Sa Pasadena pala, 3 or 4 branches of Starbucks ang nandoon. Nabuhayan ako. To make the story short, na-recover ko ang bag ko, but this was after natawagan ko na lahat ng credit cards ko at dineclare ko na na lost sila. Kainis no... Wala namang nawala sa bag ko, thank God ulit, pero that was a lesson enough for me - hindi sa hindi na ko magdadala ng bag kundi hindi ko na isasabit sa silya ang bag ko whenever we go out to eat or anything. Lagi ko na sya kikipkipin.
Marami pa sana akong ikukuwento pero umaga na eh. Balik na lang kayo (kung interesado pa kayo)
"There cannot be a crisis next week. My schedule is already full." ~ Henry Kissinger ~

0 Comments:
Post a Comment
<< Home