Piolo, Piolo I love you....
Pinahiram ako ng ka-opisina ko ng Otso-Otso at Spaghetti ... CD. Paulit-ulit kong pine-play sa boombox ko sa opis kasi nakakagana magtrabaho kapag mabilis ang tono ng kanta. Napapasayaw tuloy ako saka minsan hindi ko namamalayan naha-hum ko na pala siya. Kahit sa kotse ay dala dala ko itong mga CD kasi ito ring panganay ko, sobrang lab ang otso-otso, as in umiiyak pag itinitigil namin ang pagpapatugtog hehehe. Anyway, ingat lang ako sa pagkanta ng otso-otso at spaghetti lalo na sa elevator kasi meron palang na-reprimand na government employee sa pagkanta nito, grabe.
Ang galing galing ng mga composer ng mga songs sa album na yan. Minsan nga naiisip ko, paano kaya nila nako-compose yun, nakakatawa ang mga lyrics. Sabi naman ng aking husbandry, binibili daw nila ang mga lyrics na yan sa iba't-ibang tao na may talent mag-compose pero hindi naman kilala. Minsan yata nasobrahan ako sa pakikinig ng CD na yan eh, yung kanta ni Mahal at Mura ang kinakanta ko.. yun bang "Wala ng mura sa panahon ngayon... lahat na ay mahal..." saka yung "Ayoko na sa'yo, ayoko na sa'yo... Break na tayo, Yan ang gusto ko ... Ayoko na sa'yo, may balitang ... Lalaki ang type mo!" "Piolo, Piolo, I love you, Aga,Aga I like you, Jimboy, Jimboy, I hate you... Eh kasi naman... niloloko mo ako.." Ano nga pala balita kay Jimboy at Mahal... sila pa ba or break na sila...? Hehe just wond'rin' 'no. Wala kasing TFC sa bahay. Mahal magpakabit. Sana kung $10-15.00 lang yan, nagpakabit na kami. Kasi naman kailangan mo pang mag subscribe sa isang buong cable provider, let's say, Direct TV, $49 tapos plus $10 pa para maka-access ka naman sa Filipino Channel. Tapos naman kung magsu-subscribe naman ako sa TFC... eh di Filipino Channel lang ang mapapanood ko for $35 sabi nila. Which is cheaper ba? Siguro manghihiram na lang muna ako ng tapes.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home