Wednesday, March 05, 2003

Panawagan

Nag-sign up ako sa alumni.net this week. May isa kasi akong kaklaseng napanaginipan ko nung isang araw at gusto ko siyang hanapin. Tamang-tama naman naka-sign up din siya sa alumni.net at duon ko siya natagpuan. Lately ay napapanaginipan ko ang mga kaklase ko nung ako'y high school. Ilang beses na nangyari ito - paulit-ulit ang mga characters pero iba-ibang sitwasyon. Ngayon ay alam ko na kung bakit. Baka gusto nilang mag-reunion. Wala akong nababalitaang reunion ng mga nakaraang taon ng aming high school batch o college man lang. Masarap sigurong makipag-kita sa kanila isang araw at makipag-kuwentuhan lang ng mga pangyayari sa aming mga buhay-buhay. Sana kahit isa man lang sa kanila ay sulatan ako.