US Sixty Cents
Pagkatapos ng mga isang buwang pag-aaral ng US History & Government ay naipasa ko ng maluwalhati ang aking interview for citizenship. Dapat ay nuon pa ako nag file ng application matapos ang sampung taong paninirahan dito pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi ko feel i-give up ang aking pagka pilipino. Nag-iisa ba ako sa nararamdaman kong ito? May pinsan ako after 20 years saka lang din nag file ng citizenship, at yun ay bunga pa ng pagtulak sa kanya ng mga kapatid nya.
Pagkatapos sabihin ni Officer Evans sa akin ang expectation ng bansang ito sa isang tulad ko, yes na lang ako ng yes. (Eh kung hindi ako mag-yes baka pinalabas niya ako sa kuwarto 'no) Expected ba nila eh ipagtatanggol ko daw ba ang US sa mga gustong sumakop dito, or if possible and necessary to bear arms against it's enemies. Sabi ko "Yes Ma'am, if necessary." At marami pang tanong ek ek ... "Congratulations, you're application has been approved." Hindi naman nya ako kinamayan. Sabi lang, "Please wait for the notice in the mail within 60 days for the oath taking ceremony." Dapat tumatalon na ako sa tuwa, pero ng mahimasmasan ako ng lumabas ako sa opisina nya, parang na-miss ko ang Pilipinas biglang-bigla. Gusto kong umuwi, para makita ko ang mga magulang at mga kapatid ko duon. Gusto kong umuwi, para makita ko din ang sitwasyon ng ating bansa.
Ah, hindi ko pa yata tunay na nai-give up ang aking Filipino citizenship. Tagalog pa rin ang aking pananalita, isip at gawa. Eh bakit ba ako nag citizen pa? Eh... just because, saka para sa mga anak ko.