Ingat sa sakit
Salamat Tatang Retong sa pag encourage nyo uli sa kin sumulat bilang nanay. Kayo lang yata ang naringgan ko na interesado sa buhay ng isang ina. Marami kung sa marami ang dinaranas ng mga nanay sa araw-araw na pag-aruga nila sa mga anak nila. Nandiyang nagkasakit ang dalawa kong anak na matatawag ko pang mga sanggol. Awang-awa ako at hindi naman nila masabi kung ano ang masakit sa kanila. Ikaw na lang ang bahalang damahin kung ano ba ang masakit sa kanila.
Nuong ako'y dalaga pa, hindi ko iniintindi kung may sakit ang mga pamangkin ko (sa pinsan). Sabi ko noon, lagnat lang yan, lilipas din. Pero higit pala duon ang nararamdaman ng isang ina kapag may sakit ang kanilang mga anak. Parang gusto mo ikaw na lang ang masaktan, magkasakit, hindi makahinga, madapa, mauntog, magutom 'wag na lang ang mga bata. Napakalungkot pag sila ay walang gana at hindi makapaglaro, parang hinihiwa ang puso mo.
Kayo sanang mga nagbabasa nito, ina man kayo o hindi ay mag-ingat na lang na magkasakit. May kumakalat na namang flu at kung ilan na ang namatay...sadly, panay bata pa.