Saturday, August 30, 2003

It's A Boy!

Sa awa ng maykapal ako ay ligtas na nakapanganak nuong ika-5 ng Agosto. Isang malusog na 7.5 lb baby ang kaloob sa amin ng Panginoon. 20 inches ang kanyang haba- lalaki. Kundi ba naman wala na yata talaga akong mahihiling pa sa buhay (bukod sa manalo sana sa lotto at makabili ng bahay at lupa) dahil may isa na rin akong anak na babae. Heto nga lang at ako ay nagpapagaling dahil ako ay binuksan (ackk! C-Section daw ba?) Last year din sa aking anak na babae ako ay binuksan nila (acckk uli!) Anim na linggo bago ako maka-recover pero mind you, masakit pa din pag lipas ng mga araw na yan, yun nga lang hindi na sing-sakit nung unang araw. Paglipas ng anim na linggo, medyo (medyo lang ha) mabilis ka na lumakad saka makakabuhat ka na rin ng mga labada, pinamalengke, 5-gallon na timba ng tubig, 22 lbs na toddler, at not to mention ang makapagsuot ka na rin ng damit at salawal mo by yourself. O di ba achievement na yun ng isang na-operahan?

Sabi nga ng aking isang kaibigan, dapat daw ay nasa fear factor ako dahil pangalawang beses ko na itong na C-Section and I dont even mind the pain anymore. Kasi naman I know what to expect already although yung sakit eh talagang masakit with a capital P! Sabi naman ng aking tiyahin na dumalaw dito nung nakaraang linggo, hindi raw ako nakaranas ng labor kaya parang hindi din daw ako nakaranas manganak. Sa loob loob ko, pareho kong dinanas yun (masyado na nga lang mahabang ikuwento dito, pero peks man, labor at operasyon ang pinagdaanan ko sa pareho kong anak). Pero 'wag ka ha, di ko kaya ang mga ginagawa ng mga nanay nuon na pito ang anak, siyam ang anak, sampu ang anak, o minsang mahigit pa sa labindalawa! Biruin mo yun mag labor ka taon-taon? My golly, para kang mapu-pupu sa pag labor na hindi mo maintindihan. Yung mga nanay na dyan, alam ko, alam nyo ang aking sinasabi di ba?

Saka dito sa 'Merika, hindi pwede ang maraming anak kung ang kita mo ay maliit lamang. Mahal ang mag-paaral - yan ang palagi ko ng naririnig sa mga magulang na malalaki na ang anak at nasa kolehiyo na. Mahal ang halaga ng isang anak dito. Siguro sa pagkain di ko iindahin eh, pero yung damit - damit na damit lang ang mamahal dai! Kung pwede nga lang dalhin ang Blumentritt at Divisoria dito para makamura ako gagawin ko.

Ganyan lang naman ang buhay dito, maraming gustong makarating sa "land of opportunity na ito or land of milk & honey" pero mahirap din ang buhay... that is kung di ka magsisipag.

Saturday, August 02, 2003

After a long hiatus...

Hala ano ba ang nangyari sa kin? Napatagal ang hiatus ko. Magta-tatlong buwan na pala akong wala sa limelight. Kundi ko pa nakita ang mga taong nagtiyaga magbasa ng outdated kong mga postings di pa 'ko magigising. Ganuonpaman, salamat sa mga bumabasa nito. To Yves & Arnold, thank you.

Maraming nangyari nuong mga nakaraang buwan, mostly naman between me & my baby lang. Nag-bonding kami ika nga. Saka aaminin ko na nga... naging antukin ako kasi yata ganuon talaga ang mga buntis. Pag tambol ng alas siete ng gabi kailangan nakahiga na kami ng anak ko. Madali ka ng mapagod, pero ang lakas mo kumain. Ayun tuloy bumalik ang 30 lbs kong na-loose ko na nuon. Sabi nila di naman daw mukhang nagdagdag ako ng timbang. Sa loob-loob ko, di kaya nagiging magalang lang sila kasi ang tingin ko sa salamin eh tatlo na ang aking baba. Paano mo ba naman tatanggihan ang ice cream halos gabi-gabi tapos prutas, gatas, juice, at panay pa ang aming kain sa labas. Pero sana samahan niyo ako sa pagdarasal na maging malusog ang aking nasa sinapupunan. Kahit di na siguro ako manalo ng lotto basta malusog lang si dayunyor, higit pa yung sa lahat ng pera sa mundo.

Speaking of pera, tumaya naman ako sa lotto kanina. $50M ba naman ang pot. Baka sakali lang. Kundi naman manalo ayos din. Ang aking adhikain sa buhay eh "dont expect so you dont get disappointed". Simple lang naman yan, kung wala kang inaasahan, di ka mabibigo. Basta ba sige lang ng sige .. taya ng taya, ipon ng ipon. By the time na naka dos mil ka na ng taya... mananalo ka din. Sabi nga always think positive and good things come to those who wait - hayan pinagsama ko na.

Sana ito na ang simula ng pagbabalik ko dito. Malamang yan kasi mawawala ako sa opisina namin ng dalawang buwan para magluwal. Baka sakaling pag tulog na ang dalawa kong tsikiting, sisingit ako ng internet. Sayang na lang ang binabayad ko sa ISP ko kada buwan pag di ko sya ginamit, diba? O hala, alas dos lang naman ng umaga dito (tulog ba yan ng isang buntis? eh kasi naman nakatulog na ako kanina :-) ... ) Hanggang sa susunod na kabanata. Ito ang inyong... Tia Dely... (nagulat ba kayo kasi nabuntis pa si Tia Dely?)