Meri Krismas
Walang pasok kahapon (Pasko eh!) Meri Krismas to all. Punta kami sa mga biyenan ko bandang 1:10 pm na. Almost kumpleto na ang magkakapatid ng mister ko. Nakakain na nga ang iba. Na-late kami (as usual, hehehe) dahil puyat nung bisperas. Luto dito, luto duon ginawa ni Bugoy ko tapos nagbalot ng regalo, pinaliguan si baby, hinanda ang gamit ng prinsesita namin, na iyak na ng iyak ng ma-realize yata nya ala-una na 'di pa kami umaalis ng bahay samantalang sinabi ko... "sige anak, 'wag na mainip, aalis na tayo" na as if ay naintindihan nya. Alas onse nuon nung sinabi ko yun. In short, nakalayas din kami ng bahay, nai-lock na ang pinto... ng *ting!* me nalimutan pa rin. Balik na naman sa bahay si Bugoy para kunin ang ice cream cake na pinagawa nya na may picture ni prinsesita. Ang ganda ganda po kung nakita nyo. Itong si Bugoy ko di yan gumagastos ng gaano pero pag duon sa anak nya, singkwenta dolyares na ice cream cake ay di na nagdalawang-isip bilhin. Kailangan dito sa tate, tipid ka ng tipid kung gusto mo makabili ng bahay at lupa. Tulad namin, nangungupahan pa rin kami pero hopefully makabili na ng bahay sa loob ng isa o dalawang taon. Super pagtitipid pa rin pag nagsimula ng mag-aral si prinsesita. Kaya ngayong sanggol pa siya (anim na buwan lang) ipon tudamax na kami. Heniwey, masaya pa rin naman ang naging pasko namin. Daming regalo sa prinsesita ko! Mula damit, hanggang laruan, kanya lang. Masarap magluto si biyenan kaya dami ko ring nakain. Nanduon ang "dila" o "lenggua", escabeche, cream corn soup, tahong, krispy pata, at sari-saring kakanin! Magaling silang gumawa ng cake, take note. Pagkatapos kumain, nagkodakan na at nagbukasan ng regalo. Pagkatapos ay nag-bingo pa! Bandang alas-7 ng gabi, sagsag naman kami papunta sa mga bros ko. Ganuon din, kainan, kuwentuhan, nood ng video, kodakan, until it was time to sleep. Naghihilik na nga yata kaming tatlo pagdating ng bahay dahil sa pagod. Moral lesson: Dahan-dahan ang kain pag holiday season, kundi, magagaya kayo sa 'kin... hirap magpapayat!